In the world that no families

Hi. Ako si Julie hindi ko totoong pangalan. Maaga akong naulila. Baby ako nung namatay ang Nanay ko at ang Tatay ko naman hindi ko kilala. Dahil wala na akong pamilya, pina-ampon ako sa matandang may kaya sa buhay. Siya ang tinatawag kung Grandma. Lumaki ako sa Pangasinan kasama si Grandma na siyang nag alaga sakin. Yes, masaya ako sa mga oras na kasama ko siya, spoild na spoild ako ni grandma at ramdam ko ang pagmamahal niya. Kahit may edad na siya, hinahatid niya ako sa school, mga grade 1 pako nun. At madalas sinisiraan ako ng ibang tao at karamihan sa kanila relatives niya, naisip ko noon na kaya pala ang dali nila akong siraan kasi alam nila na ampon lang ako, na nagiisa lang ako, na wala akong pamilya pero that time masaya ako kasi hindi pinaniwalaan ni Grandma yung mga sinasabila nila. Ramdam ko na kakampi ko siya sa lahat ng bagay. But somehow napaka ikli lang ang masayang pagsasama namin ni Grandma dahil kailangan na niyang pumunta sa america. Iniwan ako ni grandma at kumuha siya ng taong magbabantay at mag aalaga sakin sa bahay which is relatives din niya. Isa dito ay lalaki, Doon na nagsimulang maging miserable ang buhay ko. Yes, biktima ako ng panggagahasa at yung lalaking pinagkatiwala ni Grandma ang gumawa nun. Dahil bata pa nga ako hindi ko maintindihan ang ginagawa sakin nung lalaki. Pinakulong siya ni Grandma nung nalaman niya ito. Dahil nga pabalik balik si Grandma sa america, nasanay nalang akong mag isa at puro katulong ang kasama ko at nag alaga sakin (relatives din ni Grandma) . Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako inalagaang mabuti, pinapabayaan lang nila ako jan sa tabi kasi alam nila na AMPON lang ako at not legally adopted. Dahil bata nga ako noon wala akong magawa kundi go with the flow pero ramdam ko sa mga oras na yun na may kulang.. Pag mamahal ng pamilya. Ramdam ko na hindi ako masaya until one time yung pinsan ni Grandma ang nagbantay sakin which is lalaki siya. Nasa edad 50+. Akala ko tapos na ung nangyari sakin noon hanggang sa ginahasa ulit ako ng mismong pinsan niya. Wala po akong nagawa dahil sa takot, mga grade 3 or 4 na ako nun so nasa tamang pag iisip na ako. At alam ko na kung ano yung ginagawa sakin. Umuwi si Grandma sa bahay, nagsumbong ako pero hindi siya naniwala kasi nga pinsan niya ito at very close to the family. Inisip ni Grandma na dahilan lang sa nangyari sakin nung una kaya daw ako nagkakaganun. Hindi ko na pinilit, pero nandoon yung takot ko, yung sakit. Dahil alam ko na nasa paligid lang siya at tuwing makikita ko siya nilalakihan ako ng mata. Wala akong magawa kundi tumahimik nalang dahil naisip ko isang hamak na ampon lang ako at ayoko na maging dahilan na masisira ang samahan nilang magpipinsan dahil sakin. Masakit po, sobra.. Lalo na at ako lang nakakaalam sa nangyaring yun. Ayoko lang masira yung samahan ng pamilya nila Grandma sa mga relatives niya dahil sakin. Tiniis ko un. Nagbago lahat, nawala na din yung dating lambing namin ni Grandma sa isat isa. Feeling ko hindi na niya ako mahal, feeling ko wala ng nagmamahal sakin, sobrang nafeel ko na wala akong pamilya na ampon lang ako at hindi ako part ng family.Nagrebelde ako, naging matigas ang ulo, pasaway,minsan pa nga sinumbatan ko si grandma at sinisisi ko siya sa nangyari sakin doon sa unang lalaki.Pero deep inside, ayoko naman talaga siyang sisihin dahil alam ko hindi din niya gusto yung nangyari alam ko na nasaktan din siya sa nangyari.GALIT yung nagpairal sakin that time. Hanggang sa sinauli ako ni grandma sa totoo kung kamag anak umaasa siya na magbabago ako. Pinabalik ulit niya ako sa poder niya kaso hindi ako nagbago dahil GALIT na nga ang nasa puso ko. Paulit ulit ang nangyari. Isasauli niya ako sa kamag anak ko tapos kukunin ulit niya ako. Hanggang sa lumala lang , at lalo akong nakaramdam ng galit kasi nga hindi ko na maramdaman na may pamilya ako, na wala ng nagmamahal sakin na hindi ako mahal ni grandma. Lagi kung hinihingi kay God na Sana hindi nalang si Grandma ang kasama ko dito sa bahay as in ayoko na si Grandma nalang lagi kasama ko dahil hindi na nga ako makaramdam ng pagmamahal at hindi na din ako masaya kasama siya. Lagi kung pinag darasal na sana si Momie nalang kasama ko( isa sa mga anak ni Grandma at siya yung naging Momie ko) Yes, Momie ang tawag ko pero lagi ko din iniisip na pano ko siya naging Momie hindi ko naman siya nakakasama since nasa u.s.a siya at matagal bago umuwi ng pilipinas pero saglit ko lang din nakasama. Hindi ko naramdaman yung pagiging Momie niya sakin, yung pag mamahal ng ina. Lagi kung dasal na sana yung mga anak nalang ni Grandma ang kasama ko dahil inisip ko na magiging masaya ako pag sila kasama ko at makakaramdam ako ng pagmamahal. Kaso lang hindi binigay ni God yung hiling ko. Si Grandma at ako lang parin ang lagi magkasama. Puro kami away, inaamin ko un kasi nga maldita at matigas na ulo ko nun. Naging sakit ako sa ulo ng Grandma ko. Hanggang sa yung mga anak na ang nagpaalis sa akin sa bahay, binigay na talaga nila ako sa totoo kung kadugo which is yun naman talaga ang gusto ko kasi inisip ko na dun ko na siguro mararanasan ang magkaroon ng family, pagmamahal dahil kamag anak ko sila, na kahit mahirap lang sila ay ok na ok sa akin.

Pero hindi ganun ang nangyari.. Minaltrato ako, inapi api ako ng mga pinsan ko pati mas bata sakin.Hinayaan ko sila, tiniis ko po yun at inintindi ko sila dahil alam ko elementary lang natapos nila kaya ganoon sila. Tinuring nila akong iba kasi daw wala na akong silbi since wala na ako sa poder ng mayamang pamilya. Sarili kong Auntie inaaway ako at pinagseselosan. Sa kanila ko din naranasan ang mabugbog. Binugbog ako ng Uncle ko dahil pinagbintangan nila ako na ninakaw ko yung pera nila which is yung pinsan kung naglayas ang kumuha at alam ko na alam ng Auntie ko yun pero sa akin sinisi. Pinagsasampal ako ni Uncle , sobrang sakit dahil nga lalaki siya at malakas. Lasing din siya that time. Sinasampal ako ng paulit ulit Kada tatanungin niya ako kung ako ang nagnakaw at sasabihin kung “HINDI PO”(dahil hindi naman talaga). Halos gusto ko ng mag OO para tumigil na siya kakasampal sakin pero “HINDI PO” sinasabi ko(dahil hindi ko magagawa magnakaw).Kinaladkad niya ako hanggang mapahiga ako sa seminto at doon niya ako inapak apakan, tinadyakan ng malalakas.Wala akong magawa kundi umiyak lang. Nakaupo yung Auntie at mga pinsan ko sa harapan habang pinapanuod akong binubogbog. Sobrang sakit.. Sila lang yung natitirang kamag anak ko na kilala ko, mismong kadugo ko pa.Minahal ko sila..pero hindi nila ako mahal. Kinabukasan, nakahiga lang ako dahil masakit buong katawan ko sa pambubugbog sakin at mga pasa sa tagiliran ko. Lumapit si Uncle at nag sorry hindi daw niya sinasadya at lasing lang daw kasi siya kagabi. Napahagulgul nalang ako sa iyak(hindi daw niya sinasadya dahil lasing siya! Pero halos mapatay na niya ako at hinanap pa niya baril niya, na tinago naman ng mga anak niya) sumunod na nangyari, pumunta kami ni Auntie sa byanan niya ipapahilot daw niya ako.Pagdating namin, nagdrama ang Auntie ko umiyak iyak habang nagsusumbong sa byanan nia. Sinabunutan ako nung matanda, hindi ako nagsalita, napaiyak nalang din ako sa sakit. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sakin that time, gusto ko ng sumuko. Hindi ko kaya yung sakit na dinanas ko. Kumirot yung puso ko at doon ko naalala yung nanay ko. Puro SANA ang nasa isip ko, na sana buhay pa ang nanay ko para may matakbuhan ako. Pero nakita ko sa sarili ko, na mag isa lang talaga ako. Hindi ko matanggap na ulila akong lubos at nagpapalimos ng pagmamahal ng isang magulang. Nag attemp din akong magsuicide.

Isang gabi, nagising ako bigla, dahil naramdaman ko na may humila sa kumot ko. Nagulat ako at si Uncle yung nakita ko. Nagulat din siya dahil nagising ako(ang sabi niya kinukomutan niya ako kc malamok)pero hindi ganun yun, kasi alam ko na kumot na kumot akong natutulog. Nakaramdam ulit ako ng takot at kaba dahil alam ko na kung ano ibig sabihin nun. Nag isip ako kung pano ako makakatakas sa bahay nila dahil bantay sarado ako.

Nakatakas ako, wala akong ibang dalang gamit kundi yung damit na suot ko at isang picture namin ni momie na magkasama. Tumakbo ako papuntang bahay ni lola Ening ( pinsan ni Grandma at kapatid nung matandang lalaking ng rape sakin) Oo, nandun siya nakahiga may malubhang sakit. Ramdam ko na nakatingin siya sakin pero hindi ko siya tinitignan.

Dahil hindi na nga ako tinanggap ni Grandma sa malaking bahay, nagpasya si lola Ening na ipunta ako dun sa La Union sa relatives din nila at doon na ako tumira at nagpatuloy sa pag aaral.Si Ate Janer ang kumopkup sakin dun. Nakakarinig padin ako ng masamang salita sa tinutuluyan ko since relatives din sila ni Grandma, nandun na din yung pagsusungit sakin ni Marian( apo ni lola Ening) halos kaedad ko din siya. Hindi ko na yun pinansin, hinayaan ko lang at nagfocus sa pag aaral, 2nd year HS na ako noon. At dahil si Ate Janer ang nagpapaaral sakin, tiniis ko lahat ng pagsusungit ni Marian sakin. Mabait si Ate sakin at yung Ate ni Marian at papa nila sadyang ayaw lang sakin ni Marian ramdam ko yun, at nafeel ko nagseselos din siya sakin. Naging mabuti padin ako sa kanya, nagpapakumbaba ako sa kanya at sa kanila. Natapos na ako sa second year noon at sa Isabela na nga ako grumaduate ng HS. Oh diba, ang layo ng napuntahan ko from La Union to Isabela.???? Nag bakasyon kasi sila Tita Tess(not true name) relatives nila sa La Union at nakilala nila ako doon at sinama ako sa kanila(sa Isabela) pinamigay na ako ni Ate Janer sa kanila dahil hindi na daw niya ako mapag aral at mas maganda daw buhay ko kila Tita Tess. Syempre wala naman akong choice kundi sumama nalang. Naging ok naman ang kalagayan ko sa kanila, mabait sila lalo na mga anak. Minsan nasasaktan din ako pag may nasasabi si Tita Tess sakin ng di maganda pero naging ok lang sakin yun. Nagkaroon ako ng mababait na kaibigan doon, lalong lalo na si Jane at Lizel(classmates ko) naging bestfriend kaming tatlo. Naging masaya din ako sa Isabela. Nakapagtapos ng HS at doon na nag college. Hanggang sa doon na din tumira si Marian at Mama niya. Doon na naman nagsimula mga paninira sakin hanggang umabot sa puntong muntik na din akong saktan ng Mama ni Marian. Masakit at mahirap sa akin yung trato sakin ng mag ina pero nanatili akong tahimik, nagpakumbaba lang ako.kahit sumusobra na sila tiniis ko lang. Iniiyak ko lang ng patago tapos pag labas ko pinapakita ko sa kanila na ok na ulit ako na parang walang nangyari. Hanggang sa hindi ko na natiis dahil tinapunan ako sa mukha ng dinuguan na ulam namin that time at inaaway na nga ako ng Mama ni Marian. Umiyak lang ako sa kwarto at kinagabihan naglayas ako.

Umaambon pa noon habang naglalakad ako papuntang bahay nila Jane, mga alas tres ng madaling araw(malayo layo din bahay nila mula kila Tita Tess) Nahihiya man ako pero wala akong maisip na matakbuhan kundi si Jane lang. Nakita niya ako na madumi ang damit ko dahil sa dinuguan at kulay puti ang damit ko kaya kitang kita, hindi na kasi ako nagpalit. Pinatuloy naman ako ni Jane at sinabi ko lahat ng nangyari. Sinabi ko din sa kanya na ayoko na doon kila Tita Tess dahil aping api na nga ako sa mag ina. Kaya tinago niya ako sa kanila pero nahanap parin nila ako, nakita ko na ayaw man ni Jane na isauli ako sa kanila pero napilitan siyang ibalik ako doon,hinatid niya ako pabalik kila Tita Tess. Iba na nga naging sitwasyon ko kasama sila pero nagtiis ako at nagfocus sa pag aaral ng college. Nalaman ko din na si Grandma parin yung nagpapaaral sakin simula nung nasa La Union ako pinapadala niya yung tuition fee ko sa kanila at dahil nga sa ayaw ni Grandma na malaman ko na pinagaaral padin niya ako, pinalihim niya ito.Hindi na ako nagulat noong nalaman ko yun kasi sa mga oras na nasa La Union ako naghinala na agad ako since alam ko na hindi naman ako kayang pag aralin sa private school at sino ba naman ako para pag aralin nila sa private diba?kaya doon ako naghinala which is totoo nga! Nung nalaman ko yun pinalabas ko padin na parang wala akong alam. Na hindi ko alam ang nangyayari.Natuwa ako ng kaunti, kasi nafeel ko na may care padin sa akin si Grandma ????.

Back in reality, Minsan nagiging mabait sakin si Marian kahit alam ko na fake lang yun pero alam ko na gumagawa siya ng way na masira buhay ko. Nakahanap ng way si Marian ng ikakasira ko kila Tita Tess. Pinakialaman niya gamit ko at nakita niya diary ko kung saan may naisulat ako doon na hindi maganda patungkol sa anak ni Tita Tess(ang dahilan ko, naisulat ko yun kasi sumama loob ko kay Tita Tess nung time na may nasabi siyang di maganda sakin) which is totoo naman yung sinulat ko patungkol sa anak niyang babae (hindi ko na sasabihin kung ano yun kasi alam ko nakakasakit yun) pagdating ko galing school pinagalitan na ako ni Tita Tess at ang asawa nito, minura, sinigawan, sinabunutan ako at inuntog untog ulo ko sa pader bago ako pinalayas. Doon ko naranasan maging palaboy laboy sa kalsada. Halos lahat na ata ng hirap dinanas ko na at inisip ko na napaka malas ko talaga sa buhay. Sa mga naging kaibigan ko ako humingi ng tulong pero dahil nga hindi nila ako kayang patuluyin ng matagal, sa ibang kaibigan na naman ako nakikituloy hanggang sa marami na nga akong tinuluyang bahay pero saglitan lang talaga tapos maghahanap ulit ng ibang matutuluyan. Naawa din ako sa sarili ko, down na down ako, sobrang depress at sobrang payat ko na noon. Nga pala, tinuloy ko padin ang pagpasok sa school kahit alam ko na wala na akong pang tuition at baon. Pero thanks God kasi may mabubuti akong kaibigan. Nakakahiya man pero salit salitan mga kaibigan ko na ilibre ako sa pag kain,makakain lang ako ng lunch.( Dito nagsimulang magbago lahat, dito sa Isabela ako natutong magpakumbaba, nawala lahat ng galit sa puso ko nadaladala ko nung bata pa ako. Dito ako nagbago at narealize lahat na masama pala talaga ang nagtatanim ng sama ng loob. Sobrang hirap ang dinanas ko sa Isabela pero may part din na naging happy ako at grateful dahil dito lang ako nakatagpo ng totoong kaibigan na tumulong sakin sa gitna ng kahirapan ko. Walang wala ako sa buhay pero may mga tao pa palang bukal sa puso nila ang pagtulong ng walang kapalit).

Pinilit kung magpa katatag sa gitna ng nangyayari sakin, pero hindi ko padin maiwasang umiyak, matakot at mawalan ng pag asa. Madalas akong makita ng mga kaibigan ko sa school na tulala, malalim ang iniisip at mahahalata mo sa akin na may matinding pinagdadaanan at depress na depress, kaya ginagawa ng kaibigan ko, inaaliw nila ako. Andyan yung yayayain ako mamasyal pag wala ng klase, pupunta kame sa bahay ng isa namin kaibigan at doon mag food trip. kahit malayo payan, sila yung bahala sa pamasahe ko maisama lang nila ako. Pero pagkatapos nun, back to reality na naman ako.. Nagiisip kung saan na naman ako makikituloy,makikitulog. Hanggang sa wala na nga akong matuluyan kasi tinatakot nila Tita Tess yung mga taong tutulong sa akin, pinagsasabihan nila mga ito na wag akong tanggapin sa tahanan nila.Syempre natakot sila at ayaw nilang madamay sa problema ko.Kaya ito na naman ako, palaboy laboy.. Palakad lakad sa kalsada tanghaling tapat,na ang itim itim ko na sa babad sa araw. Yung hindi ko na kayang itago ang pagiyak ko, yung kusa ng tumutulo luha ko habang naglalakad sa kalsada hindi alam kung saan pupunta. Hindi ko nga naramdaman yung pagod ko sa kakalakad kahit sobrang layo na ang nilakad ko, ang tanging naramdaman ko TAKOT at kawalan ng pag asap. Ang tanging nasasabi ko sa sarili is “ang hirap.. ANG HIRAP NG WALANG MAGULANG” sobrang hirap ng walang pamilya. Madalas sinusumbatan ko na si God sa lahat ng nangyari sa buhay ko (Bakit? Bakit po ganito? Bakit pakiramdam ko napakalupit niyo sa akin! Ang aga niyong kinuha nanay ko, binigyan niyo nga ako ng mag aaruga sa akin, pero hindi naman ako minahal.. Hindi ako tinuring na anak o pamilya nila. Bakit po?? Bakit hinahayaan niyo lang akong saktan ng ibang tao! Bakit?? Bakit sila??na sobra sobra kung manira sa buhay ko o sa kapwa nila pero maganda ang buhay nila! Masaya sila! Pero ako! Ako na wala nman ibang hinangad kundi magkaroon ng pamilya na magmamahal sa akin ng totoo, maramdaman kung ano ang pakiramdam ng may nanay! Yan lang lagi kung hinihingi sa inyo pero bakit hindi niyo man lang maibigay sa akin.. Bakit? Bakit? Bakit??) Yan lang yung lagi kung nasasabi puro BAKIT? Dahil wala na nga akong matuluyan, sinubukan kung pumasok bilang katulong pero no luck kasi ayaw nila akong tanggapin dahil hindi nila ako kilala, hinanapan pa nga ako ng birth certificate pero wala akong maibigay dahil wala akong hawak na ganun. Wala na akong pag asa. Inisip ko na tuluyan na akong magiging pulubi at palakad lakad sa kalsada. Pagod na pagod na ako, gusto ko nalang mamatay sa araw na yun.

Akala ko wala na.. Walang wala na akong pag asa pero may isang taong naglakas loob na tulungan ako at sinabing”Ako nalang ang kukopkop sayo, sa amin ka nalang tumira kahit takutin pa ako ng Tita mo hindi kita pababayaan!” Nagulat ako. At the same time na touch niya puso ko sa sinabi niya. Binigyan ako ni Jossa ng pag asa. Si Jossa na naging classmate ko sa college,doon ko siya nakilala at naging kaibigan. Simahan ako agad ni Jossa para kunin gamit ko at umuwi sa kanila. Nagulat ako sa nakita ko at nalaman ko.. Hindi ako makapaniwala na ung taong gustong tumulong sa akin ay walang wala din sa buhay! I mean, mahirap din ang buhay nila at nakikitira lang din sila dahil wala silang sariling bahay. Sa loob-loob ko gusto kung umiyak.. Feeling ko umiiyak yung puso ko sobrang na touch ni Jossa yung puso ko that time. Kasi hindi ako makapaniwala na gusto niya akong tulungan kahit alam niyang nakikitira lang din sila doon at marami sila dun, hindi inisip ni Jossa na magiging pabigat pa ako pag pinatira nia ako sa kanila, na dadagdag pa pakakainin nila sa bahay. Na pampasikip lang ako. Pero hindi eh, (naiiyak ako) handa niya akong matulungan kahit sa maliit na paraan lang.. Handa niyang ishare yong maliit na bagay na meron sila. Pero para sa akin napakalaking bagay yung binigay niya!! Alam niyo yung kahit sa semento na may carton lang kami matutulog pero sobra sobra kung na appreciate kung anong meron sila. Nung gabing yun hindi ako nakatulog dahil ramdam ko padin na nagagalak talaga yung puso ko sa ginawa niya. Doon ko nasabi na “Wow! May mga tao parin palang ganito kalambot ang puso”. Karamihan kasi sa mga ibang nakilala ko tutulungan ka pero gusto may kapalit, tutulungan ka pero gusto nila may pakinabang ka din, tutulungan ka pero ang dami nilang nasasabing hindi maganda sayo, tinulungan ka nga pero ang dami nilang reklamo sayo at ang iba tumutulong lang para masabing mabait sila pero ang totoo hindi bukal sa puso nila ang pagtulong. (Pero ikaw Jossa, iba ka. Hindi ko akalain na makikilala ko ang isang tulad mo. Hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako, hindi ka natakot na kunin ako. Simula nung tumira ako sa inyo, hindi mo talaga ako pinabayaan, pinapalakas mo lagi loob ko, inalagaan mo akong mabuti. Ikaw pa nga nagsasandok ng kakainin ko dahil alam mong nahihiya ako tapos dadamihan mo pagkain ko sa pinggan para kumain ako ng marami at para tumaba ako. Hindi mo alam kung gaano ko na appreciate ito.. Yung mga araw na sabay tayong pumapasok tapos yung ibibigay saung allowance mo hinahati mo pa para may allowance din ako kahit alam mong kulang pa yun para sau pero ginagawan mong paraan. Gusto mo na kung anong meron ka dapat meron din ako.. Inispoild mo ako Jossa. Naramdaman ko na mapagmahal kang tao, nakita ko na isa kang mabuting anak at kapatid. Napakabuti mo at ang pamilya mo sa akin. Trinato niyo akong isang pamilya. Sobrang naantig puso ko dahil sayo dahil sa effort mong pag aalaga sa akin. Tinuring mo akong parang totoong kapatid! At sayo ko naramdaman yung hinahangad kung pamilya at pagmamahal kahit saglit lang. Ikaw ang dahilan kaya ko nasabi na “ganito pala ang pakiramdam ng may kapatid” Salamat Jossa.. Pinaranas mo lahat sa akin yun ???? nainggit pa nga ako sayo noon kasi nakita ko yung pamilyang pinapangarap ko ay nasa’yo. Yung kahit mahirap ang buhay pero masaya kasi kumpleto pamilya mo. Nagmamahalan kayo, nakakainggit! Yung wala sa akin na gusto ko sa buhay nakita ko yun sayo. Pero ang laki ng pasasalamat ko sayo dahil naranasan ko din kung anong meron ka kahit panandalian lang talaga. Gusto kung malaman mo na ang laki ng naitulong mo sa akin,Binago mo ako at inalis mo lahat ng poot sa dibdib ko, nawala yung takot ko, yung lungkot ko yung problema ko noong nakasama kita. Hindi mo lang napansin kasi hindi ko pinapahalata yung nararamdaman ko, yung pag iyak ko ng patago dahil sa saya na binigay mo. Sobrang napamahal ako sayo, dahil alam ko na mahal mo din ako bilang tinuring mong totoong kapatid. Tanda mo ba yung araw na natutulog tayong magkayakap tapos nakita ni kuya mo sabay sabing “ang sweet naman ng dalawang ito parang magkapatid! ” hehe natuwa taung pareho. Wala akong ibang masabi sayo kundi SALAMAT. Pinahanga mo ako ng bongga!)

Hanggang sa naisip kong lumayo sayo kasi ayoko ng madamay ka sa problema ko, ayokong maging pabigat ako sayo kahit hindi mo pinaramdam sakin na pabigat ako pero nahiya na ako. Inaaway na kita para lang pabayaan mo na ako pero hindi mo ako iniwan, gusto mo parin umuwi ako sa inyo. Umiiyak ka habang sinasabi mo na “uwi na tayo” “Wala kang kasama dito. Saan ka matutulog!” “pagagalitan ako nila nanay pag di kita kasama”. Nasasaktan ako nun kasi umiiyak ka, emotionally depressed na naman ako that time at hindi ko na din namamalayan ginagawa ko. Nakita ko si Lizel at doon na ako nakitira sa kanila. Alam kung sumama loob sa akin ni Jossa dahil sa ginawa ko at pag alis ko. Kagustuhan ko lang na hindi siya mahirapan kagaya ko, na hindi na niya kailangan magtiis sa allowance niya dahil sakin. Habang nakatira ako kila lizel at patuloy akong pumapasok sa school kahit wala akong pambayad sa tuition ko. Nilakasan ko parin loob ko kahit deep inside stress na ako sa dami ng iniisip, kung saan ba ako kukuha ng pang gastos sa school etc. Nung time na gumawa ako ng fb account doon ko nahanap si Momie, inadd ko siya. Kinabukasan may message sakin si Momie at doon na kami nagumpisang mag usap. Humingi ako ng patawad sa nagawa ko sa kanya. Lagi ko kasing pini pray na sana bigyan ako ng pag kakataon humingi ng kapatawaran, na kahit hindi na nila ako tanggapin ay ok lang sakin. Naging ok ang lahat hanggang sa pinapauwi na ako sa Pangasinan para makasama ulit si Grandma at maipag patuloy pag aaral ko doon.

Hinatid ako ni Lizel kasama ang magulang niya papuntang Pangasinan. Habang kumakatok kame sa gate, si Grandma yung nagbukas at bumungad samin. Pagkakita niya sa akin bigla siyang umiyak at bigla niya akong niyakap. Ramdam kong sobrang miss na miss niya ako at ganun din ako sa kanya (Marami pa nangyari pero escape ko na yun). At yun nga, magkasama na ulit kami ni Grandma at pinag papatuloy pag aaral ko. As expected, maraming tsismoso’t tsismosang nakaalam sa pagbabalik ko sa malaking bahay. Alam kong pinag usap usapan na naman nila ako pero deadma lang po ako. Isa sa relatives nila ang nagsabi sa akin ng “Sus, kaya ka lang pinabalik kasi kailangan ka nila! Para ka lang naman dyan katulong”. Hindi na ako nagulat kasi hindi bago sakin ito. Alam ko naman kasi na karamihan sa relatives nila ganyan ang tingin sakin, hindi nila ako nakikitang part ako ng pamilya kasi nga hamak na ampon lang ako at binili. Pero kung tutuusin tama din sila, kasi yan din nakikita ko sa kanila minsan pero kay Grandma alam kong hindi ganun ang tingin sakin. Kinagabihan, ka chat ko si Momie at sinabi ko nga yung about sa isang relatives nila na nagsabi sakin ng ganun. Sabi nalang ni Momie na wag ko nalang daw pansinin kasi naiinggit lang daw sila sa akin. Hinayaan ko nalang din kasi hindi na big deal sa akin to. Noong nandun pa ako kila Lizel narealize ko lahat ng pagkakamali ko, narealize ko na..hindi pala talaga maganda ang nagtatanim ng galit kasi sarili mo din ang masisira at hindi maganda ang naidudulot ng nagtatanim ng galit. Kaya pinangako ko sa sarili ko na never na ako magtatanim ng galit kahit pa makarinig ako ng di maganda sa paligid ko kahit pa masaktan nila feelings ko at sirain ako. Pero syempre nakakaramdam parin ako ng galit, lahat naman po ganun. Ang hindi lang maganda ay itanim mo yung galit sa puso mo ng matagal o habambuhay katulad ng ginawa ko noong bata pa ako. Ang mahalaga ngayon ay kasama ko na ulit ang Grandma ko at nakita ko na tumanda na nga siya. Nakita niya pagbabago ko. Lumipas ang ilang buwan naging ok pa lahat lalo na kami ni Grandma, may mga araw lang na nagkakatampuhan dahil sa mga taong mapanira, sa kapitbahay namin na kung maka spy akala mo may ginagawang di maganda ang tao, yung tinitignan lahat ng kilos ko at irereport nila kay Grandma. But again, hinayaan ko sila.. Nanahimik lang ako sa paninira at sa di magandang sinasabi nila sakin although yes, aminado ako na nasasaktan na naman ako. kahit sino naman po diba? Iiyak ko lang sa kwarto tapos pag labas parang WALA LANG smile smile, parang di naaapektuhan. One time, pagdating ko ng bahay galing school, nakita ni Grandma yung nasa leeg ko. (Nagpa HENNA kasi ako sa leeg, katuwaan lang ba..total nabubura naman pagkaraan ng ilang araw) pagkakita niya, kinausap niya ako “Apo, Huwag na huwag kang mag papa tattoo sa katawan mo ha? Ipangako mo sa akin yan.” Sagot ko “Opo Grandma”.
Kahit gustong gusto ko din yung mag patattoo, as a promise kay Grandma tutuparin ko yun ????.

Gustong gusto ni Grandma na kahit kami lang dalawa magkasama sa bahay at ganun din ako dahil dito naaalagan ko siya at nakakabawi na din sa kanya. Minsan nga nagluto ako ng paksiw kaso hindi nga ako marunong kaya tinuruan ako ni Grandma. Ayun, yung paksiw ko masabaw haha as in lumalangoy yung tilapia pero na appreciate padin ni Grandma which is kinatuwa ko naman. Hindi din nagtagal kailangan padin kumuha ng katulong kasi nga hindi ko kaya linisin buong bahay sa laki ba naman. Pero simula nung kasama namin yung kasambahay namin nag iba na naman lahat. Yung akala mo na mabait yung kasama niyo sa bahay pero pag nakatalikod ka sinasaksak kana.

Isang araw kinausap niya ako, sinabi niya sa akin na may sinabi daw si Grandma sa kanya about sakin na nakakasakit. Nasaktan naman ako sa narinig ko, kaya nakapagsabi din ako ng di maganda about kay Grandma pero sa kanya ko lang sinabi. Ngayon, heto na naman siya nagsusumbong na naman sa akin na sinabi ni Grandma daw na ganito ganyan. Di ako naman, nagsasabi din sa kanya ng nakakasakit tungkol kay Grandma. That time kasi hindi na talaga kami ok ni Grandma. Lagi siyang nagagalit sa akin na hindi ko alam ang dahilan kaya magtatampo na din ako, hanggang sa hindi na kami nag uusap. Pero nung na stroke si Grandma doon ko narealize yung ginagawa nung kasambahay namin. Kaya pala… Kaya pala na kunwari si Ateng magsusumbong sakin na ganito ang sinasabi ni Grandma tapos sasabihin din niya kay Grandma yung nasabi ko para masaktan din si Grandma at magalit. (sa taong gumawa nito: WALANG HIYA KA PO. Napakagaling ng ginawa mo na pag awayin kami ni Grandma at magalit sa isa’t isa, hindi ko alam kung ano naging motibo mo kung bakit ganun ginawa mo saming dalawa basta ang alam ko lang WALA KANG PUSO AT KUNSENSYA!!) Nakakalungkot lang kasi huli na nung narealize ko yun at nagsisisi ako kasi nagpa uto ako sa kanya hanggang sa nagka mild stroke na nga si grandma.

Isang gabi, bigla akong nagising mga madaling araw na yun . Tapos bigla akong nakarinig na may malakas na bumagsak at maya2 may naririnig akong nagtatawag sa pangalan ko. Patakbo akong pumunta sa sala at doon ko nga nakita si Grandma na nakahiga na sa floor at maraming dugo. Nataranta ako, natakot. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Bubuhatin ko na ewan. Naisip kung tumakbo palabas at humingi ng tulong sa kapitbahay. Hindi ko na pinansin yung sarili ko na nakasando lang ako noon basta ang alam ko lang nanginginig ako sa takot sa nakita ko na naiiyak na ako. Doon pumasok sa isip ko na “pano na kung wala na si Grandma, paano na ako.. Tuluyan na akong mag isa..”

Tuluyang di na nakalakad si Grandma at nakahiga nalang sa bed niya. Ito rin yung mga panahon na makakasama ko na mga anak ni Grandma at makita ang dapat kung makita at marealize lahat ng mali. Nakita ko na ibang iba mga anak nito, ibang iba nila ako tratuhin compare kay grandma. Naisip ko nalang that time na “Hindi kasi nila ako nakasama simula pagkabata kaya ganyan” inintindi ko yun, hanggang sa unting unti ko nga sila nakikilala at naramdaman kung pano nila ako tratuhin. Si Momie na ang nagpapa aral sakin that time, siya ang nag bibigay ng allowance ko. Pero ang masakit, marami pa akong maririnig na di maganda bago ko matanggap ang baon ko at tuition fee sa school. Ang masaklap, iniisipan ako na baka daw pinaglalaruan ko sila, niloloko ko sila, kinukupitan ko daw sila ng pera etc. Sobrang sakit sa loob ko ito, kasi mismong tinuring kung Momie ganun ang iniisip sakin?? Diba,masakit.. Kaya dito ko narealize na hindi pala siya yung pinapangarap kung Momie.. Kasi kung totoo yung sinasabi niya na tinuring niya akong anak. Bakit napag iisipan niya ako ng ganung bagay?? Bakit napag bibintangan niya ako?? Marunong din po akong makiramdam pero kahit ganun hindi ko pinahalata, hindi ko pinakita na nasasaktan na ako. Kaya simula noon nag decide ako na huwag na siyang tawaging Momie at tinawag ko nga siyang Tita. Masakit sakin yun, pero kailangan ko din sanayin sarili ko na hindi ko siya Momie, hindi ganun ang klasing Momie na pinangarap ko. Ibang iba talaga sila kay Grandma. Andyan yung, may sinasabi mga relatives nilang di maganda about sakin tapos paniniwalaan na nila agad. Pinaniniwalaan nila mga ibang taong naninira kaysa sakin. Alam niyo po yung time na sinasabi nilang part daw ako sa family pero hindi ko yun naramdaman sa kanila. Madaling sabihin pero hindi naman po ako manhid at bulag upang makita ang katotohanan. Meron pa nga yung time na pinagbintangan ako ni Tita(momie) na hinack ko daw email niya ganito ganyan.. Ako naman hindi ako makapaniwala na pati sa mga ganung bagay pagiisipan nila ako ng ganun. Sobrang galing ko namang maghack (IT po kasi kurso ko kaya ganun nalang sila magisip sakin) nalulungkot ako sobra.. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko yun ginawa pero hindi ko padin maiwasang masaktan dahil yung tinuring kung pamilya ay iba ang tingin sakin. Hanggang sa marami pa nga akong naririnig na sinasabi nila about sa akin. Pero ako, hinayaan ko lang kahit sobra na yung sakit na nararamdaman ko. Pinakita ko sa kanila na parang wala akong alam. Na ok ako, na masaya ako pero deep inside masakit na, down na down ako sa kanila. Pero anong magagawa ko, hamak na ampon lang ako, walang matakbuhan kundi sila din lang gaya ng sinabi nila. Tiniis ko lahat.. Nagkukulong ako sa kwarto, umiiyak nagiisip. Doon ko narealize na kaya pala.. Kaya pala noong bata pa ako hindi binigay sa akin ni God yung hiningi ko na makasama mga anak kasi alam niya na mas lalo lang akong masasaktan.
Kasi nasa harapan ko na yung totoong nagmamahal at nagmamalasakit sakin..Si Grandma. Ang laki talaga ng pag kakaiba sa mga anak, doon ako nagsisisi.. Nanghinayang. At doon ko nakita na maling mali ako sa inakala ko. Dahil ang totoo, si Grandma lang ang totoong nangturing sa akin na pamilya, siya lang ang nagmahal sakin, nagtiis sa katigasan ng ulo ko, siya lang ang umintindi sakin, nagmalasakit sakin at hindi niya ako iniwan. Ang laki ng pagsisisi ko that time, na sana hindi na ako naghangad ng iba, na sana hindi ako umasa kila Momie na mas mahihigitan nila pagmamahal ni Grandma sakin, na sana hindi nalang ako nagtanim ng sama ng loob noong bata pa ako e di sana hindi nasayang mga oras na pwede ko pang maramdaman kung ganu ako kamahal ni grandma e di sana naiparamdam ko din na mahal ko siya, di sana walang nasayang na panahon. Pero hanggang SANA nalang lahat yun. Huli na ang lahat.. Huling huli na. Kahit gaano pa ako magiiyak at magsisi hindi na maibabalik lahat.. Naalala ko, tuwing bumabalik ako kay Grandma at pagbukas niya ng gate bigla siyang iiyak at yayakap sakin pagnakita niya ako, paulit ulit na ganun at doon ko narealize kung gaano ako minahal ni Grandma.

Tinanggap ko nalang lahat pati mga anak ni Grandma kahit na ibang iba talaga sila. Sobrang nagsisisi ako sa mga hiniling ko dati, pero wala eh. Andito na ako sa ganitong sitwasyon. Wala akong magawa kundi tiisin yung sakit, yung pangungulila ko, yung pagpapalimos ng pagmamahal na hanggang ngayon wala parin. Tiniis ko lahat, kahit na minsan sila na yung mali pero nagpakumbaba nalang ako. Para makasama ko parin si Grandma. That time, wala na akong ibang gusto kundi manatili sa tabi ni Grandma, na hinding hindi ako aalis sa tabi niya hanggat nabubuhay siya. Kahit sa ganitong paraan lang ako makabawi sa kanya gaya ng ginawa niya sakin noon na hindi padin ako pinabayaan ni Grandma. Pero hindi din ako nagtagal. Hindi ko kinaya yung araw na pinagbintangan ako nung isang anak ni grandma na iniinom ko daw yung BARLEY ni Grandma (barley, ang alam ko pampalakas po yun.) Pinagbintangan ako dahil din sa kagagawan nung mag asawa( sila yung nag aalaga kay Grandma at relatives din nila ito) Simula pa kasi nung una hindi ko na talaga gusto yung babae si Alma. Mga simpleng bagay kasi hindi pa niya magawa,walang kusa si Alam. Lahat ng trabaho niya ay sa asawa niya ito inuutos, pala mura pa ito, kaya yung asawa under sa kanya. Ni nagiisang kutsara sa lababo o pinagkaininan ni Tita hindi niya hugasan kahit siya yung unang nakakakita nito, pero ako na ang umunawa at naghuhugas kahit sobrang inis nga ako sa ugali ni Alma. Hanggang sa siniraan ako pinagbintangan.. Syempre mas pinili at pinaniwalaan nila si Alma kaysa sa akin. May mas pakinabang kasi siya kaysa sa akin. Ano pa nga ba di ako nalang ang nag give way. Umalis ako kahit masakit sa loob ko ang iwan si Grandma pero dahil hindi ko nga nakaya yung sakit sa puso ko. Napilitan akong umalis at sumama naman ako kay Grace(relatives din nila at siya yung unang nagalaga kay Grandma)

Nagpaalam ako ng maayos sa mga anak, sinabi ko na gusto ko na kasing magtrabaho dahil tumatanda na din ako at para din magka experience na sa work( pero hindi po yun ang totoo, ginamit ko nalang na dahilan mga ito) Nung una ayaw nila akong payagan lalo na si Momie ang sabi pa nga sa akin ipapahamak lang daw ako ng pamilya ni Grace at hindi ko kaya ang mag trabaho dahil nga maliit lang ako at mahina etc. Pero kahit ganun, pinilit ko padin umalis dahil hindi ko nga kaya ang makasama yung mag asawa. Pag alis ko, as expected.. Marami nga akong narinig na paninira na pati pamilya ni Grace sinisiraan din. Ewan ko ba pero magkaka dugo sila, pero nagsisiraan sa isa’t isa. Hanggang sa may mga kumakalat na, na kaya daw ako umalis kila Grandma kasi kami daw ni Grace( si Grace kasi parang lalaki parang tomboy ganun) ewan ko ba, matatawa ako na maiinis pag may mga ganito akong naririnig na tsismis. Pero nakakainis lang kasi iniba nila ang nangyari, in short nawala yung totoong dahilan ng pag alis ko na pinagbintangan ako kaya ako umalis ,sa halip na ganito iba ang nangyari at ako padin ang lumabas na may kasalanan na may mali daw akong ginawa kaya daw umalis ako at yun nga kinakalat at iniisip ng ibang tao na kaya daw ako sumama kay Grace kasi mag DARLING daw kami. Sobrang inis na inis ako,nasasaktan na ako
.
Minsan pa nga pag may naririnig ako na nagsasabi na magdarling kaming dalawa. Inaaway ko siya, as in napag sasabihin ko ng masasakit na salita na”bakit kasi ganyan ka kumilos! Magpakababae ka nga! etc..) pero naisip ko mali ito.. Hindi porket sinisiraan ako ng ibang taong mapanghusga ay kailangan ko na din saktan si Grace. Si Grace kasi kilala ko na siya simula noong bata pa kami, dahil tumira din siya kay Grandma noon. Kaya nga madalas kami mag away noong bata dahil sa t.v gusto ko powerpuffgirl siya dexter ang gusto. Isa pa mabait na tao si Grace. Pero dahil nga sa mga taong mapanira, hindi ko maiwasan sisihin siya kung minsan. Pero heto ako ngayon, tinitiis ko lahat kahit ako yung sirang sira na.. Down na down na ako sa ginagawa nila. Halos mabaliw na ako sa sobrang depress pero nilalabanan ko..tinitiis ko yung sakit. Yung takot, yung lungkot.

Madalas, naiisip ko si Grandma at napapaiyak nalang din ako. Sobrang depressed ako sa nangyayari, pero wala akong magawa. Nasasabi ko nalang sa sarili ko na “Ang hirap, ang hirap ng nag iisa. Ang hirap ng walang pamilya. Sobrang hirap” Madalas ko na din sumbatan si God. Wala na din akong ibang hinihingi kundi, kunin na niya ako.. Kasi pagod na ako.. Pagod na pagod na ako.. Na hanggang ngayon hindi parin ako nagkakaroon ng pamilyang magmamahal sa akin, matanda na ako pero para padin akong bata na naghahanap ng nanay, tatay.. Nagpapalimos ng pagmamahal.. Hindi ganitong buhay ang pinangarap ko.. Pagod na ako sa mga taong walang ibang ginawa kundi manira, manghusga. Nakakainis pero sila pa nga yung madalas na nasa simbahan. Hindi ko nilalahat pero totoo yung sinasabi nila na madalas yung mga taong mabait, maraming tattoo sa katawan at yung iba lagi sa simbahan pero naninira sa kapwa at mapanghusga.

Ako yung tipong tao na uunahin ang iba kaysa sa sarili ko, kasi alam ko yung pakiramdam na binabaliwala ka. Mas iniintindi ko ang maramramdaman ng ibang tao kaysa sa sarili ko kasi alam ko yung pakiramdam ng hindi ka nila iniintindi. Inisip ko si Grace, huminto siya ng pag aaral dahil sakin upang tulungan ako makahanap ng work. At wala akong ibang hinangad para sa kanya ngayon kundi ang maka pag aral ulit siya. Pero dahil nga wala din siyang pera pang aral, pinilit ko siya na magpa aral siya sa mommy nila(relatives din nila Grandma at isa din sa nag sabi na magdarling kami ni Grace) ayaw ni Grace magpaaral sa mommy nila kasi naniningil nga daw ito pag pinag aral ka niya. Pero pinilit ko padin siya, sabi ko wag na niya isipin yun, magpakumbaba nalang siya makapag aral lang. Ang ginawa ko pa nga ako nag cha-chat sa ate niya na kunwari ako si Grace at sinasabi ko na gusto ko mag aral etc. Ngayon, natuwa naman yung ate ni Grace at kinausap nga niya yung mommy nila. Pero iba ang kinalalabasan, ako parin yung masama. Gusto daw ng mommy nila at pamilya ni Grace na ibalik ako kila Grandma kasi daw nasira sila sa relatives nila dahil sakin. Marami pa silang nasabi.
Sobrang na stress ako at nalungkot, kasi all this time ako parin yung masama. Hindi lang alam ng magulang ni Grace na ako ang may gusto makapag aral siya kahit ayaw nga nung anak nila, pero ito parin yung mapapala ko na kabutihan din ng anak nila ang iniintindi ko pero ako parin itong masama. Nakausap daw kasi ng mommy nila si Tito (isa sa anak ni Grandma) at sinabi nito na gusto daw ako bumalik kila Grandma, ako daw ang mali, ako daw may kasalanan kaya gusto daw nila akong humingi ng despensa sa kanila at magpakumbaba. Nagulat ako, all this time yun parin ang pinaglalaban nila. Gusto nung Ate na ibalik daw nila ako sa malaking bahay, putulin ang communication sa pamilya nila at magpakumbaba nga daw ako at humingi ng despensa. Kasi un daw gusto ng mga anak. So nagulat ako, ganito pala kapalit sa ginawa kung pagmamalasakit kay Grace kagustuhan na makapag aral ung tao para gumanda buhay nila. Bumaliktad na naman lahat. Baka daw atakihin sa puso nanay nila dahil daw sakin dahil daw nasira din sila kila Grandma dahil sakin. Alam naman nila na ayoko na bumalik sa bahay na yun lalo na andun ung mag asawa. Sila ang dahilan kung bat ako pinagbintangan .Siniraan nila ako dahil alam nila na malakas kapit nila sa mga anak ni Grandma. Sila din ung kinampihan kahit alam nila na ung mag asawa ang mali,may pakinabang kasi sila kaya ganun. Inisip ko nga sana ganun lang kadali un, para makasama ko lng ulit si Grandma. Pero bakit ako hihingi ng tawad????? Wala akong kasalanan! Wala!! Kasalanan ko lang ung iwan si Grandma dahil alam ko na dapat andun ako sa tabi nia lalo na ngaun ganun kondisyon nia, dahil siya ang nag alaga sakin, nagpalaki, nagpaaral at nagmahal sakin ng totoo. Kahit un man lang ung maisukli ko sa Grandma ko ???? pero wala ako magawa kasi tao lang din naman ako sobra na nasasaktan dahil sa ibang tao nakapaligid sakin dun. Na kahit ako nalang nakaka alam na nasasaktan na ako, na nahihirapan. Kahit un man lang din sana maisip nila pero hindi kasi ayaw nila masira o magkamali sa mata ng tao kasi ang taas nila kasi professional sila kasi mayaman sila. Pero pinilit ko ba ung side ko? Ndi, nanatili akong tahimik. Ni hindi nila ako nakitang umiyak sa harap nila.Bumalik daw ako at magpakumbaba.kelan pa ako hindi nagpakumbaba? Kahit alam ko na wala akong ginawang masama nagpakumbaba padin ako, kahit ako ung nasaktan nagpakumbaba padin ako kahit nga sa mga relatives nila na naninira sakin nagpakumbaba padin ako eh kasi relatives nila un kasi may utang na loob ako sa pamilya nila kasi ampon lang ako. Ung mag asawa dun na nag aalaga kay grandma lalo na si Alma na nanira sakin, umiyak sa harap ng mga anak ni grandma nagmukhang parang siya ung kawawa so dahil nga may pakinabang si Alam kinampihan nila kinawaan nila at ako ung napagbuntungan ng galit. Pinagbawalan ako ng anak ni grandma na bisitahin ung nanay nila kasi daw inaaway ko si Alma na nagaalaga sa nanay nila. Hindi na ako nagulat dahil un ang sumbong ni alma sa mga anak kaya pinagbawalan ako pero dahil sa gusto ko padin nabibisita si grandma kinain ko pride ko, nagpakumbaba ako lalo na sa mag asawa o kay alma kahit masakit ginawa ko un payagan lang ako nung mga anak na ma visit si grandma. Tuwang tuwa ung mag asawa pero dahil sila ang nag aalaga kay grandma nagpakumbaba ako kahit alam ko na siniraan lang ako nung mag asawa na wala naman talaga ako ginawa sa kanila. Ewan ko ba kung bakit mga ganitong klase ng tao ang lakas nila kay God pero ako umiyak lahat2 puro sakit at paghihirap binibigay. Ang alam ko lng napaka malas ko. Yung lahat ng sacrifice ko sa buhay parang wala lang. Yung nilihim ko sa pamilya nila maging maayos lang silang magkakamag anak kahit hindi ko nakamit yung hustisya para sa sarili ko.

Kaya hindi po lahat ng nabubuhay dito nasasabi niyong maswerte, kasi ang iba sa amin, hindi naging maganda ang buhay. Mas gusto nalang nila na mawala na kaysa sa mabuhay ng matagal pero laging nasasaktan. Hindi din po lahat ng inampon sa mundo ay swerte. Ako, sinasabi nilang swerte ako, kasi daw mayaman yung napuntahan ko. Pero sila lang po ang mayaman at hindi ako. Hindi alam ng iba ang kahulugan ng swerte. Yes, naranasan ko din yung magandang buhay, pero hindi nila alam na sobrang saglit lang lahat ng magagandang nangyari sa buhay ko. Na para bang may time limit yung maging masaya ka. Pero malas ako sa pamilya, sa pagmamahal. Maswerte lang ako dahil nagkaroon ako ng grandma na napaka maalalahanin at siya lang naghalaga sakin ng totoo. But still, heto parin ako.. Gusto magkaroon ng nanay o masayang pamilya. Kahit masakit isipin na wala talaga ako nun, na nagiisa nalang ako ngayon. Kaya mahirap po ang walang pamilya.. Sobrang hirap… Gusto ko nalang din mawala, at dahil nga may takot parin ako sa diyos kaya hindi ko magawang kitilin ang buhay ko. Sobrang pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang nasasaktan ang kalooban ko dahil sa nangyayari. Pahalagahan niyo po yung pamilya niyo. Mahalin, at alagaan dahil swerte kayo meron sila sa tabi niyo. At sa mga inampon pero napakabuti nang nakakuha sa kanila. Pahalagahan niyo po sila, yung pagmamahal nila suklian niyo pa ng higit na pagmamahal. Ipakita niyo kung gaano kayo kagrateful dahil sila ang naging magulang niyo.

Story shared by...

Julie