Dedication: para sa mga taong nakatayo sa ating gobyerno na walang ibang makakasagot kundi sila lamang
Hello po. Akoy isang simpleng magaaral na nababahala na sa kung ano nang nangyayari sa ating bansa. napapanood ko po sa balita na nais ng ating mahal presidenta ba ipatupad ang charter change. bilang kabaatn ng bansang ito nararapat lamang na mag karoon kami ng tama at sapat na kaalaman sa kung ano ang magiging kahihinatnan ng charter change na ito sa bansa at lalong lalo na sa mga kabataang katulad ko. hindi masama na maging maalam kami dahil ano mang kaganapan ang mangyari dito sa bansa ay mag rereflect sa mga susunod na henerasyon. ang nais ko lamang na iparating ay sana bigyan nyo kami ng pagkakataon na magsalita, magbigay ng opinyon at saloobin sa issue na ito. at nais lamang din namin na magkaroon hindi lamang kaming kabataan ng kaalaman kundi pati na itong mga taong nasa mababang antas ng pamumuhay. dahil naniniwala kami na ang lahat ng pagbabago at maghihirap na ginagawa ng gobyerno ay para sa aming mga kabaatn at mamamayang pilipino. alam namin na naniniwala kayo na ang kabaayan nag pagasa ng bayan pero paano pa kami magiging pagasa ng bayan kung ang tanging pagasa na ating hinahangad ay unti unting mawala at mabura. sana po ay maunawaan nyo hidi lang ako kundi kaming lahat. maraming salamat po at umaasa ako na mag kakaroon ng kasagutan itong kahilingan na nais ko. salamat.